Mga Blog Ni Ariane
Lunes, Mayo 11, 2015
KAIBIGAN
Kaibigan sila yung mga tao na kasama natin sa lungkot at saya, sa mga kwentuhan, kasabwat sa pag gala, at pag gawa ng kalokohan, at higit sa lahat sila ang mga taong nagsisilbing takbuhan natin kapag tayo ay may problema at tinuturing natin na parang mga kapatid na natin.
Ang sayang isipin na magkaroon ng mga kaibigan na walang katulad. kaibigan na maaasahan, mapagkakatiwalaan at hindi maipagpapalit dahil sa kakaibang kalokohan at katangian.Mga tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa ere, na hindi pera lang oh anu mang bagay ang habol sayo kundi kaibigan ka nila dahil yun yung talagang turing nila sayo, yung tangap nila kung sino ka, Yung tipong lagi ka nilang inaasar pero nakapaloob sa pang aasar nila yung pagmamahal nila sayo,
Sa magkakaibigan hindi mawawala ang ibat ibang katangian, may mahilig mag picture, mahilig mang hiram ng phone, mahilig mag selfie, malakas mang asar, seryoso, laging nabubuli, yung me pagka tanga, hindi agad maka gets sa topic, yung laging late kapag me lakad, sasabihin malapit na pero ang totoo nasa bahay pa.
Ang saya diba? :) sabi nga kailangan natin ng kasama at hindi kumpleto ang araw kapag hindi kasama ang barkada o kaibigan.
ITIM NA TOGA AT DIPLOMA
Bawat kolehiyog nag-aaral
isa ang nais na makamtan,
ang dumating ang masayang araw,
araw na maisuot ang isang munting kasuotan.
Ang munting kasuotan na sa unaha'y nasambit
ay ang munting toga na ang kulay ay itim,
kasuotan na nagpapahiwatig sa tagumpay na nakamit
bunga ng ilang taong pagtitiis,
Labis labis ang kasiyahan na nadarama
sa araw ng pagtatapos na pinaka hihintay
sapagkat diploma'y mahahawakan
isang katibayan ng pagtatagumpay.
Ang munting katibayan na nakamtan
ay alay sa ating mga magulang
sapagkat sila ang katuwang at kaagapay
Upang makamtan itong tagumpay.
Ang itim na toga at diploma
simbolo ng tagumpay at pag asa
na nagbibigay ng saya
sa labi ng bawat isa.
INTER ISLAND SA PALAWAN
Sa Palawan aking naranasan kung paano magtrabaho sa isang Hotel. Sa una nakaka kaba because ito yung first time na sumakay kami ng airplane, mag ojt sa malayo ng almost 20 days, and makisalamuha sa ibang tao na doon lang namin nakilala. Dito ako natuto kung paano makisama sa ibang tao, maging independent, mag budget ng allowance at maging time concious.
Mahirap pero Masaya. Mahirap dahil nakakapagod, mag du duty ng mahigit 9 hours, uuwi sa gabi, pagdating maglalaba dahil hindi pwedeng maglaba sa umaga at nawawalan ng tubig, gigising ng maaga mga 4:30 am para maligo dahil hindi pwedeng mag sabay sabay. pagka ligo kakain then 6 or 7 am pasok na naman ng ojt. ganito ang routine namin every day sa Palawan.
Masaya naman dahil kahit mahirap nagkaroon naman kami ng time na maka punta sa Pristine Beach, at sa Underground River na isa sa 7th Wonders of Nature.. Kahit malayo ang byahe papunta ng underground maganda naman ang mga nakita namin sa loob ng cave.
Sa Legend Hotel naman kung saan kami na asign mag duty, nakilala namin ang mga staff sa apat na department, Kitchen, F&B, Laundry and Housekeeping. Lahat sila mababait, at masayang kasama sa trabaho. Sa unang tingin parang nakakatakot sila, masungit, at seryoso, but habang tumatagal namin silang nakasama sa trabaho nakita namin na kabaliktaran pala sila. mababait at makukulit kasama.
Natapos ang Ojt namin noong April 23, 2015, bumalik kami ng Nueve Ecija April 25, 2015.
Before ng flight namin nag paalam kami sa mga taong naging malapit sa puso namin, sa mga staff ng hotel and nakakatuwa dahil nag effort pa silang pumunta sa tinutuluyan naming transient house para magpa alam. Sa araw ng flight namin maaga kaming pumunta ng airport, mga puyat dahil 3 hours lng ang tulog namin, 6;00 am kami nakarating ng airport mga 8:00 am lumipad ang unang batch at 11:00 am naman kaming second batch, Hindi na kami hinatid sa airport dahil ang hirap daw sa kanila na makita kaming umalis at baka magka dramahan pa.
Dumating kami ng Nueva Ecija ng payapa at masaya dala ang mga kaalaman na natutunan namin sa INTER ISLAND SA PALAWAN :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)