Lunes, Mayo 11, 2015
KAIBIGAN
Kaibigan sila yung mga tao na kasama natin sa lungkot at saya, sa mga kwentuhan, kasabwat sa pag gala, at pag gawa ng kalokohan, at higit sa lahat sila ang mga taong nagsisilbing takbuhan natin kapag tayo ay may problema at tinuturing natin na parang mga kapatid na natin.
Ang sayang isipin na magkaroon ng mga kaibigan na walang katulad. kaibigan na maaasahan, mapagkakatiwalaan at hindi maipagpapalit dahil sa kakaibang kalokohan at katangian.Mga tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa ere, na hindi pera lang oh anu mang bagay ang habol sayo kundi kaibigan ka nila dahil yun yung talagang turing nila sayo, yung tangap nila kung sino ka, Yung tipong lagi ka nilang inaasar pero nakapaloob sa pang aasar nila yung pagmamahal nila sayo,
Sa magkakaibigan hindi mawawala ang ibat ibang katangian, may mahilig mag picture, mahilig mang hiram ng phone, mahilig mag selfie, malakas mang asar, seryoso, laging nabubuli, yung me pagka tanga, hindi agad maka gets sa topic, yung laging late kapag me lakad, sasabihin malapit na pero ang totoo nasa bahay pa.
Ang saya diba? :) sabi nga kailangan natin ng kasama at hindi kumpleto ang araw kapag hindi kasama ang barkada o kaibigan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento