Lunes, Mayo 11, 2015

INTER ISLAND SA PALAWAN

 Sa Palawan aking naranasan kung paano magtrabaho sa isang Hotel. Sa una nakaka kaba because ito yung first time na sumakay kami ng airplane, mag ojt sa malayo ng almost 20 days, and makisalamuha sa ibang tao na doon lang namin nakilala. Dito  ako natuto kung paano makisama sa ibang tao, maging independent, mag budget ng allowance at maging time concious.

Mahirap pero Masaya. Mahirap dahil nakakapagod, mag du duty ng mahigit  9 hours, uuwi sa gabi, pagdating maglalaba dahil hindi pwedeng maglaba sa umaga at nawawalan ng tubig, gigising ng maaga mga 4:30 am para maligo dahil hindi pwedeng mag sabay sabay. pagka ligo kakain then 6 or 7 am pasok na naman ng ojt. ganito ang routine namin every day sa Palawan.

Masaya naman dahil kahit mahirap nagkaroon naman kami ng time na maka punta sa Pristine Beach, at sa Underground River na isa sa 7th Wonders of Nature.. Kahit malayo ang byahe papunta ng underground maganda naman ang mga nakita namin sa loob ng cave.

Sa Legend Hotel naman kung saan kami na asign mag duty, nakilala namin ang mga staff sa apat na department, Kitchen, F&B, Laundry and Housekeeping. Lahat sila mababait, at masayang kasama sa trabaho. Sa unang tingin parang nakakatakot sila, masungit, at seryoso, but habang tumatagal namin silang nakasama sa trabaho nakita namin na kabaliktaran pala sila. mababait at makukulit kasama.

Natapos ang Ojt namin noong April 23, 2015, bumalik kami ng Nueve Ecija April 25, 2015.
Before ng flight namin nag paalam kami sa mga taong naging malapit sa puso namin, sa mga staff ng hotel and nakakatuwa dahil nag effort pa silang pumunta sa tinutuluyan naming transient house para magpa alam. Sa araw ng flight namin maaga kaming pumunta ng airport, mga puyat dahil 3 hours lng ang tulog namin, 6;00 am kami nakarating ng airport mga 8:00 am lumipad ang unang batch at 11:00 am naman kaming second batch, Hindi na kami hinatid sa airport dahil ang hirap daw sa kanila na makita kaming umalis at baka magka dramahan pa.

 Dumating kami ng Nueva Ecija ng payapa at masaya dala ang mga kaalaman na natutunan namin sa INTER ISLAND SA PALAWAN :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento