Lunes, Mayo 11, 2015
ITIM NA TOGA AT DIPLOMA
Bawat kolehiyog nag-aaral
isa ang nais na makamtan,
ang dumating ang masayang araw,
araw na maisuot ang isang munting kasuotan.
Ang munting kasuotan na sa unaha'y nasambit
ay ang munting toga na ang kulay ay itim,
kasuotan na nagpapahiwatig sa tagumpay na nakamit
bunga ng ilang taong pagtitiis,
Labis labis ang kasiyahan na nadarama
sa araw ng pagtatapos na pinaka hihintay
sapagkat diploma'y mahahawakan
isang katibayan ng pagtatagumpay.
Ang munting katibayan na nakamtan
ay alay sa ating mga magulang
sapagkat sila ang katuwang at kaagapay
Upang makamtan itong tagumpay.
Ang itim na toga at diploma
simbolo ng tagumpay at pag asa
na nagbibigay ng saya
sa labi ng bawat isa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento